
Ang departamento ng English at Filipino ang namamahala ng sanghaya. Ano ba ang sanghaya? Ang sanghaya ay isang grupo ng manunulat na kung saan sila ang gumagawa o nagtatala ng mga mahahalagang pangyayari sa aming paaralan sa pamamagitan ng paglalabas ng school paper o ang tinatawag na dyaryo ng paaralan.
Ang mga manunulat ng sanghaya publication ay siyang lumalahok sa iba’t-ibang kompetisyon sa pagsusulat sa iba’t-ibang lugar dito sa ating bansa o sa labas man ng ating bansa. Ang mga manunulat na ito ay kabilang din sa mga mag aaral ng aming paaralan na nabiyayaan ng talento sa pagsususlat.