as one

Ang aming paaralang Talavera National High School(TNHS) ay may iba’t ibang Club sa mga bawat subjects na katulad ng Science Club na idinaraos truwing Buwan ng Setyembre. Ang Science Club ay may binubuong samahan na tinatawag na YES-O Officer na ang ibig sabihin ay Youth for Environmental School Organization, ito ay isang binubuong samahan na kung saan ang bawat isa ay inaanyayahang sumali sa grupong ito, sa TNHS ang YES-O ay kailangang mayroong mamuno upang mapalakad ito ng mahusay at maayos kaya’t kada pasukon nagpapatawag ng meeting ang mga Science Teacher para sa mga officer ng bawat year level upang mapagbotohan kung sino ang karapat dapat na mamuno sa oorganisasyong ito.

       Tuwing darating ang Buwan ng Setyembre ang mga naatasang YES-O Officer at ang mga guro na naka pa sailalim sa Department na ito ay naghahanda ng kanilang mga kompetisyon na may kinalaman sa ating kalikasan kagaya nalang ng: Slogan Making Contest, Quiz Bee, Poster Making Contest, Planting Tree, Walk for the Environment at Search for Mr. & Ms. Environment. At sa tuwing idinaraos ang Search for Mr. & Ms. Environment, ang mga kandidatang kalahok sa sa pageant na ito ay naghahanda ng kani-kanilang mga kalikasan Attire upang magpakita ng pagmamahal nila sa ating kalikasan. Ngayon ang Garden na nasa gilid ng Science Department ay makikita nating idinedevelop pa upang mapaganda pa nang husto para sa mga darating pang mga mag-aaral o mga taong pupunta rito. 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola